Siklab

by Rose Ann Tano

Pakiwari’y sagana naman ang buhay ko;

And’yan ang pamilya’t kaibigang totoo.

May pagkain sa hapag, nagsasalu-salo;

Nairaraos ang pagpapagal sa trabaho.

 

Sapat ang salapi’t wari’y umaasenso;

Sunod ang luho, nabibili ang gusto,

Naglalakbay kung saan-saang ibayo.

Ah, oo! Ito ang buhay – sapat na’t, sakto!

 

Hanggang magising ako’t maulinigan

Sa sigaw ng kabuuan kong kumakalam.

Uhaw sa mga bagay na makabuluhan;

‘Di marapat maging sapat ang “sapat lamang.”

 

Mang-akit pa ng mga kaibigang masikap

Na magsisindi ng apoy na sisiklab

Sa buhay kong malamlam at kulang sa tingkad.

Ito ang buhay – makislap, tunay na ganap!

 

Maraming salamat Sa’yo Panginoon

Sa tulad nilang hitik ng inspirasyon!

Ako’y tinutulak sa’king limitasyon;

Sila’y biyayang higit pa sa bakasyon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s